KAMFIL, sa Home for the Aged dumulong

by Mary Therese Encina

Itinaguyod ng Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino (KAMFIL) na binubuo ng mga mag-aaral mula sa Departamento ng Edukasyon ng CPC ang kanilang outreach program sa Daughters of Charity Home for the Aged ng Sunshine Village Banica, Lungsod ng Roxas.

Ika-17 ng Agosto, sa pangunguna ni Gng. Rachel Alo, namahagi ang mga mag-aaral ng relief goods sa mga may gulang na mga balo’t walang asawa sa nasabing home for the aged.

Si Gng. Alo ang bagong tagapayo ng kapisanan, sumunod sa pamumuno ni G. Victor Bacuna. Antabay kay Gng. Alo ay si Keith Aducan ng ikalawang taon sa BSEd na humalili kay John Andrew Gayamat, ang nakaraang pangulo.

Naghanda ang kapisanan ng mga palaro’t presentasyon para sa kaaliwan ng mga inaalagaang matatanda na sa kasalukuyan ay nasa siyam na lamang ang bilang sa nasabing tahanan.

Ang programang ito ng KAMFIL para sa taong ito ay isa sa mga proyektong isinagawa kaakibat ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa.

Author: Mary Therese Encina

Share This Post On

Leave a Reply