Galit na naman siya!

Hayan ka na naman nakasimangot. Sabayan pa ng sabog mong buhok at nanlilisik na mga mata. Hindi ka pa nakontento at sa tuwing may dinadaanan ka ay nambubulyaw ka pa ng mga tao.

Ang totoo, ganyan ba talaga kabigat ang buhay at parang pasan na pasan mo ang buong mundo? Kailangan ‘pag galit dapat mandamay ng iba?

Ano ba ang problema? Lovelife? Natanggal sa trabaho? Merong bagay na hindi mo nakuha? May tigyawat sa mukha? O kahit ano man yang ka-ekekan, kailangan nakasimangot palagi?

Tingnan mo nga yang mukha mo sa salamin, mabilis lang. Nakikita mo ba yang nguso mong nakasayad na sa lupa? Eh ‘yang buong mukha mo, maganda pa rin ba? O feeling nagmamaganda na lang?

Minsan nga ngumiti ka naman dahil baka ang minsan may ‘pag-asang maging madalas.

Lahat kasi hindi naman naaayon sa paraang gusto mo, kaya ‘wag kang magalit, pagmamalabis na ‘yan kung hihingi ka pa ng sobra.

Alalalahanin mong hindi lang ikaw ang nabigyan ng problema kaya huwag mo pasanin ang buong universe.  Magtira ka naman sa iba, huwag mong angkinin lahat.

Author: Angelique Billones

Share This Post On

1 Comment

  1. ayos hahah i am now a fan of this page

    Post a Reply

Leave a Reply to kurt Cancel reply