Paano kung kaya mo pala?

ni Angelique Billones

Sabi nila, ikaw ang mas may kakayahang gumawa ng bagay na dapat hindi sa iba. Pero sabi mo hindi mo kaya.

Sabi nila ikaw yung mas nakakaalam ng para sa ikabubuti ng lahat. Pero sabi mo, hindi mo alam at hindi mo kaya.

Sabi nila magiging imposible ang lahat ‘pag hindi ikaw ang gumawa. Pero muli ang sabi mo, hindi ka handa at hindi mo kaya.

Kailan ka magiging handa kung ang lahat ay pinapangunahan mo na ng mga salitang, “hindi ko kaya”? Paano kung pagdating ng araw na sa tingin mong kaya mo na ay ayaw na ng iba? Mabibigyan ka pa kaya ng isa pang pagkakataon?

Bakit nga ba parati kang tumatanggi? Dahil ba sa natatakot ka? Lahat naman tayo natatakot na baka magkamali, na baka hindi natin magawa lahat ng nais nila. Lahat tayo natatakot masaktan, na baka magalit sila at sabihing isang malaking pagsisisi ang pagtitiwala nila sa iyo sa responsibilidad na iyan.

Ngunit paano mo malalaman kung hindi mo susubukan? Paano mo masasabing ika’y nasaktan kung wala ka pa namang ginagawa?

Pero ang totoo, paano kung kaya mo pala at nagpipigil ka lang? ‘Di ba ito’y isang malaking SAYANG?

Author: Angelique Billones

Share This Post On

Leave a Reply